BAN SA MEAT PRODUCTS MULA UK INALIS NA

Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.na alisin na ang temporary ban sa importasyon ng live cattle, meat at meat products mula sa United Kingdom, base sa kautusan ng pamunuan ng Department of Agriculture (DA).

Sa nasabing statement, ang ban na ipinatupad sa nasabing produkto noong May 30 ay dahil sa sakit na Bovine spongiform encephalopathy o “mad cow” disease mula sa mga processed animal proteins ng mga baka mula UK.

“Cattle originating from the UK in response to reported cases of Bovine spongiform encephalopathy, or mad cow disease. The import ban was meant to mitigate potential health risks to consumers and protect the local livestock industry,”ayon sa DA.

Ang lifting ng ban sa mga naturang hayop base sa nilagdaan na Memorandum Order 45 ni Tiu-Laurel noong Oktubre 11 ay base na rin sa ulat ng UK sa World Organization for Animal Health (WOAH) na ang suliranin sa mad cow disease ay naresolba na, at nagwakas na dahil wala nang naiulat na outbreak sa naturang bansa simula Agosto 7 ngayong taon.

Ayon sa kalihim, nagpakita rin ng patunay ang mga awtoridad ng UK sa Pilipinas na mayroong pagtitiyak ng kaligtasan o food safety measures na ipinatutupad ito sang -ayon sa guidelines ng bansa.

“With a country recognized by the WOAH with “negligible” risk of the mad cow disease, the acceptance of all in-transit and incoming shipments from the United Kingdom may commence provided with verified equivalence from the United Kingdom Veterinary Authority,” sabi ni Tiu-Laurel.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia