INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ni Presidential Spokesman Harry Roque, Jr. na palawigin pa ng dalawang linggo ang travel ban sa mga pasahero na galing sa c.
Alinsunod ito sa resolusyon sa Inter-Agency Task Force meeting noong Sabado ng gabi sa Heroes Hall sa Malakanyang.
Nauna rito ay ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang travel ban sa mga galing sa United Kingdom bunsod ng napaulat na bagong strain ng COVID-19 mula noong Disyembre 24 hanggang Disyembre 31, 2020.
Inaprubahan din ng Pangulo ang mga rekomendasyon ng Department of Health (DOH) na magpatupad ng istriktong mandatory 14-day quarantine sa mga biyahero papasok at palabas ng bansang apektado ng bagong uri ng COVID-19 gaya ng Hong Kong, Singapore, at Australia, kahit pa negatibo sa RT-PCR test results.
Ipatutupad din ang travel restrictions sa mga bansang may kaso ng COVID-19 new variant at ang lahat ng positive RT-PCR specimens ng UK travellers ay dapat ipadala sa Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine, at maging sa University of the Philippines National Institutes of Health, para sa genome sequencing.
Layunin nito na mapalakas ang Bio/ genomic surveillance na bahagi naman ng biosurveillance kasama na ang target sequencing sa high risk groups gaya ng clustering sa tumataas na kaso ng naturang sakit na nauuwi sa kamatayan.
Una nang inirekomenda nina Dr. Jaime C. Montoya, Executive Director ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development, at Dr. Soccoro Escalante ng World Health Organization (WHO) na ipatupad ang public health intervention, risk mitigation at surveillance para mapilan ang pagpuslit ng bagong strain ng COVID-19.
Matatandaan na para sa surveillance at control ay binigyan ng direktiba ng Pangulong Duterte si Interior Secretary Eduardo Ano na pakilusin ang mga alkalde at barangay captain para higpitan ang mga nasasakupan upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Aprubado rin ng Pangulo ang mungkahi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na paikliin ang panahon para sa paglalatag ng Implementing Rules and Regulations ng Executive Order No. 122, na magpapalakas naman ng border control sa pamamagitan ng pagkakaroon at pagpapatupad ng Advanced Passenger Information System. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.