BANAHAW: ANG BUNDOK NG MISTERYO AT HIWAGA

ANG Bundok Banahaw ang isa sa mga lugar na napupuno at naba­balot ng mga misteryo at hiwaga. Karami­han at kadalasan nang mga nagpupunta dito ay mga namamanata, antingero at iba’t ibang espirituwal na grupo na may kakayahang manggamot.

Ayon sa mga manggagamot at antingero, sa nasabing bundok nasusubukan ang ka­nilang mga kagamitan sa panggagamot at mga pangontra. May iba rin na manggagamot na ini­wan ang kanilang unang propesyon para tahakin ang landas na espirituwal.

Mula sa Sta. Lucia, pag-akyat pa lamang ng bundok ay tatambad na ang mga iskultura na nagpapakita ng senyales ng pagiging espiritu­wal. Ang mga pagkilala sa mga espirito ng ka­likasan na siyang naging bahagi ng mga panini­wala ng mga namamana­ta sa Bundok Banahaw. May iba’t ibang sekta rin ng relihiyon na may nananatiling malakas na impluwensiya ng katoli­sismo.

Tatambad din ang mga malalaking imahe ng mga Santo, mga batong may mga nakaukit na sampung utos ng Diyos. Ang bawat lugar naman ay ipinangalan mula sa lugar na kinuha pa mula sa Bibliya, tulad ng Jeru­salem.

May mga tindahan din ng mga kagamitan pangontra sa masasa­mang espirito, kulam, aswang, pampasuwerte at gayuma. May mga tao rin na mula pa sa siyudad na mas pinili na manira­han sa bundok sa kada­hilanang espirituwal. NIKON CELIS

Comments are closed.