CONGRATULATIONS kay Gabriel ‘Gab’Banal na kumpirmadong pumirma na ng dalawang taong kontrata sa TNT Tropang Giga.
Deserving si Banal na mabigyan ng mahabang kontrata dahil talagang mapakikinabangan siya ng sinumang team na makakakuha sa kanya.
Nagkaroon ng kasagutan ang panalangin ni Gab na dating player ng Alaska Aces na makapirma siya ng long-term contract. Tinanggihan ng dating MPBL MVP ang one conference na offer ng Uytengsu franchise sa kanya.
“Very grateful and thankful,” sabi ni Banal sa message niya sa On the Spot. Excited na rin si Gab sa 2nd conference na magsisimula sa December 5.
vvv
Siguradong happy ang mga supporter ng Brgy. Ginebra dahil balik-import si Justine Brownlee sa bakuran ng team. Katunayan, padating na si Brownlee sa Nov. 25. Medyo natagalan lang ito sa pag-aayos ng kanyang visa kaya ‘di agad ito nakapunta sa Pilipinas.
Ilang imports pa lang ang nandito, tulad ng sa Terrafirma Dyip, NLEX Road Warriors, San Miguel Beer at Blackwater Bossing.
Samantala, ang Meralco Bolts naman ay biglang nagpalit ng import. Hindi pa nagsisimula ang Governors’ Cup ay magpapalit na sila dahil nagkaroon ng problema sa pamilya ang ex-NBA player na si Shabazz Muhammad. Nakakuha rin naman agad ng kapalit ang team ni coach Norman Black sa katauhan ni Tony Bishop. Isa ring mahusay na player si Bishop.
Baka ito na ang conference na hinihintay ng Meralco para na mag-champion
vvv
Naghahanda na ang NLEX ni coach Yeng Guiao sakaling hindi bumalik si Kiefer Ravena sa kanilang team. Si Ravena ay kasalukuyang naglalaro sa Japan B.League sa team ng Shiga Lakestars.
Maganda ang ipinakikita ni Kiefer sa kanyang koponan at nangungunang scorer sa mga Asian import. Para kasing nagugustuhan na ni Manong ang paglaro sa B. League.
Kaya ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng Red Warriors ang posibilidad na ‘di na bumalik si Ravena sa team. Kukunin nila si Jason Brickman, para maging katulong ni Kevin Alas.