BANAL UMAYAW NA SA ALASKA

on the spot- pilipino mirror

NAGPA­ALAM na si Gab Banal na hindi na siya mag-e-extend ng kontrata sa Alaska Aces. Nagdesisyon si Gab na huwag nang maglaro pa sa naturang team sa 2nd conference.

Marahil ay dismayado ang player sa kakapiranggot na playing time na nakukuha niya sa Aces. Madalas pa na nababangko ang dating MPBL player.

Hindi naman alam ni coach Jeff Cariaso kung saan pupunta ang anak ni coach Joel Banal. Dahil balitang magkakaroon na muli ng  MPBL, posibleng bumalik ito sa liga na mas pinahahalagahan ang kanyang pagiging player.

Sa PBA naman, ilang teams ang nagkakainteres na kunin ang player dahil mahusay  naman si Gab. ‘Di lang alam gamitin ni coach Cariaso ito.

vvv

Iniwan na ni Alister Borabo ang DLSU Lady Spikers. Malaki ang pasasalamat ni Borabo sa management ng eskuwelahan sa pagbibigay sa kanya ng tiwala. Nais ni Borabo na ipagpatuloy ang kanyang .  volleyball career sa Amerika, at gusto niyang maging  player sa US.

vvv

Nag-selfie si Robert Bolick kasama ang bagong teammate na si Arwind Santos sa NorthPort Batang Pier at ipinost niya ito sa social media.

Si Santos  ay itinrade kamakailan ng San Miguel Beer sa Batang Pier kapalit ni Vic Manuel . Bagaman 40 years old na si Arwind ay kaya pa niyang makipagsabayan sa mas bata sa kanya.

Binigyan ng mainit na pagtanggap ng mga player ng NorthPort ang dating FEU player tulad nina Greg Slaughter, Jamie Malonzo, Jerick Balanza, at  Bolick.

vvv

Inaprubahan ng PBA ang trade ng NLEX Road Warriors at Blackwater Bossing .kung saan pinakawalan ng Road Warriros si Mike Ayon Ayon kasama si McAloney kapalit naman ng center ng Bossing na si Marion Magat plus 2023 (49 PBA season ) at 2nd round pick. Congrats.