(Buhay tindero ni Ismael Acosta ng Deparo Road, Novaliches, Caloocan City.)
DATING messenger sa isang police camp si Ismael Acosta at dahil contractual lamang siya natigil ang kanyang trabaho nang magkaroon ng kwarantina.
Binata naman ang ating bida pero breadwinner sa kanila.
Ang kanyang ina ay mananahi, abf ama ay jeepney driver at pasalar wala pa sa kanilang magkakapatid ay may sarili nang pamilya.
Nang mahinto sa trabaho si Maeng ay pilit na nag-isip ng magiging hanapbuhay kahit may pandemya.
Naging patok ang delivery subalit wala naman siyang motor para magamit at saka hindi naman siya marunong magpaandar nito.
Kaya naman pagkain ang naisip na intinda ng ating bida.
Ang pinakamadali na naisip niya ay banana cue kaya nagsuot ng face mask, face shield bitbit ang barya mula sa natirang SAP (special amelioriation program cash aid) ay nagtungo sa Talipapa si Maeng para bumili ng isang piling na saging na saba, mantika at asukal na pula.
Pinuno ni Maeng ang tangke ng kalang de gaas at mabilis na tinalupan ang saging.
Mayroon na rin siyang stick kaya mabilis na nagluto ng banana cue.
Habang mainit, ipinarada ni Maeng ang panindang banana cue at wala pang 30 minuto dinumog na ito ng kaniyang kapitbahay.
Doon nagsimula ang pagtitinda ng banana cue ni Maeng.
Ngayong lumuluwag na ang kwarantina, babalik pa ba siya sa kanyang trabaho bilang messenger?
Sa panayam ng PILIPINO Mirror sa ating bida, mukang hindi na.
Daragdagan na lang niya ang paninda at kaya ka na nilang makaraos.
Aniya, may positibong nangyari lahit may kwarantina.
Comments are closed.