NAGPAHAYAG ng kanilang pagkaalarma at pagkabahala ang Cavendish banana exporters at growers sa Mindanao dahil sa patuloy ng pagkalugi sa kanilang produksiyon dahil sa peste ng fusarium wilt disease na nakaaapekto na sa industriya ng saging, dagdag pa rito ang malaking impact ng papalit-palit na kondisyon ng panahon.
Sinabi ni Gladys Garcia, managing director of Mindanao Banana Farmers Exporters Association (MBFEA), na isang malaking lugar ng Cavendish banana ang naabandona lalo na sa Sto. Tomas, Kapalong, Asuncion, Panabo sa Davao del Norte at Calinan, Davao City, dahil sa pagkalat ng fusarium wilt.
Maliban sa sakit na nabanggit, sinabi ni Garcia na ang mga nagpapatubo ay apektado ng panahon ng tag-init at ang naunang lakas ng pag-ulan.
“We need water but we were also affected by excessive water,” sabi ni Garcia sa okasyon ng Kapehan sa Dabaw sa SM Davao Annex.
Sinabi niya na may 20,000 hanggang 25,000 ektarya ang aktibo pa sa produksiyon ng Cavendish bananas. Ang salungat na kadahilanan, aniya, ay nagdulot na pagbaba sa output at exporters risk nang hindi pag-abot sa demand ng kanilang merkado sa labas ng bansa.
Nagpahayag din si Garcia ng pag-aalala na ang MBFEA members na may mababa hanggang sa walang produksiyon ay nagtanggal na ng mga manggagawa.
Ang MBFEA, na may 30 aktibong exporters at 1,000 growers, ay nakapagpapadala ng malaking volume ng Cavendish bananas sa People’s Repub-lic of China. Mayroon ding ibang merkado sa Southeast Asia.
Sinabi rin ni Garcia na bago dumanas ng patuloy na pagkalugi ang MBFEA members, naghahanap na ang grupo ng ibang lugar sa labas ng Davao Region na mayroong underground water sources at libre sa fusarium wilt disease. Naghahanap din ang MBFEA mga kapartner sa pagbubukas ng daan para sa underground water.
Sinabi niya na ang ibang miyembro ay pinili na lamang magtanim ng ibang klaseng pananim na hindi puwedeng masira ng fusarium wilt. Sinabi pa ni Garcia na dapat gumawa ng kanilang layunin ang gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng fusarium wilt at maprotektahan ang Cavendish banana industry dahil malaki ang kontribusyon nito sa ekonomiya ng Filipinas.
Ang Fusarium wilt ay isang soil-borne fungal disease na nagdudulot ng pagkamatay ng mga puno ng saging. Ang sakit na ito ay patuloy na nakakaapekto sa popular na Cavendish cultivar, ‘Grand Nain,’ na ini-export ng maraming kom-panya sa Mindanao. (PNA)
Comments are closed.