BANANA EXPORTS SUMIPA

BANANA EXPORTS

NABAWI ng Filipinas ang posisyon nito bilang 2nd largest exporter ng saging sa mundo, subalit hinimok ng mga Filipino grower ang pamahalaan na magkaloob ng karagdagang suporta para mapanatili ang estado sa gitna ng humihigpit na kumpetisyon sa South American producers.

Sa kanilang preliminary market review report, nagbigay ng pagtaya ang  United Nations’ Food and Agriculture Organization (FAO)  na ang Philippine banana exports noong nakaraang taon ay tumaas ng 77.34 percent  sa all-time high na 2.95 million metric tons (MMT), mula sa 1.663 MMT recorded volume noong 2017.

“Banana production in the Philippines had been affected by a series of adverse conditions between 2015 and 2017, in response to which significant investments were made in area expansion, new technologies and improved inputs,” pahayag ng FAO sa report na nalathala kamakailan.

“Thanks to the strong performance in 2018, the Philippines regained its place as second largest supplier of bananas behind Ecuador, at a volume share of 16 percent of global shipments,” dagdag pa nito.

Ayon sa FAO, ang pagbawi ng output ng Fi­lipinas, na bumubuo sa 90 percent ng kabuuang banana exports ng Asia, ang nagpalakas sa shipments ng rehiyon, na tumaas ng 70 percent noong 2018 sa 3.2 MMT mula sa 1.9 MMT noong 2017.

“The rise in the Philippines’ exports coupled by the steady increment of Ecuador’s banana supply would drive global shipments to a record-high volume of 19.205 MMT, 4.4 percent over 2017’s 18.401 MMT,” sabi pa ng FAO.

Ang banana exports ng Ecuador sa 2018 ay tinatayang aangat ng 3.6 percent sa 6.646 MMT mula sa 6.415 MMT noong 2017.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang halaga ng  banana exports ng bansa sa January-to-November period ay tumaas ng 23.61 percent sa $1.345 billion, mula sa $1.088 billion sa kaparehong panahon noong  2017.

“The value, is already 19.24 percent over the total export revenue from the banana exports in 2017 of $1.128 billion,” ayon sa PSA.

Ang Japan ay nanatiling top importer ng Philippine bananas sa 11-month period na nasa 34.73 percent ng market share pagdating sa halaga.

Ang shipments sa Japan ay nagkakahalaga ng $509.789 million, mas mataas ng  34.85 percent sa $378.029 million na naitala sa  January-to-November period ng 2017.

Ayon pa sa datos ng PSA, ang banana production ng bansa noong 2018 ay tumaas ng 2 percent upang umabot sa record-high na 9.358 MMT mula sa 9.166 MMT na naitala noong 2017.   JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS

Comments are closed.