BANANA GROWERS NAIS NA MARESOLBA ANG PROTOCOL ISSUES NG PH AT JAPAN

BANANA

NAIS ng banana industry players sa Mindanao na magkita at maresolba ng gob­yerno ng Filipinas at ng Japan’s Ministry of Health, Labor and Welfare (MHLW) ang protocol issues na nakapalibot sa banana export industry.

Sa isang panayam kamakailan, binigyang-diin ng Pilipino Banana Growers and Exporters Association (PBGEA) executive director Stephen Antig ang importansiya ng protocol issue, ito ay mangyayari lamang sa pamamagitan ng government-to-government action.

Sinabi ni Antig na ang protocol issue ay napag-usapan noong Agosto 2018 sa Fipronil exceedance of the Maximum Residue Limit (MRL) matapos na mangailangan ang Japan ng 100 porsiyento na mandatory testing ng Philippine bananas na pumapasok sa bansa.

“The 100 percent mandatory testing delays the release of the bananas to the market,” aniya.

Sinabi niya ang nananatiling isyu ang hindi pa nareresolbang dapat na aksiyon ng concerned exporting companies noong mangailangan  ang MHLW ng Japan sa Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Bureau of Plant Industry (BPI) at Plant Quarantine Services (PQS), na magsumite ng protocol para sa export ng sariwang saging sa Japan.

Sinabi ni Antig na sumulat ang PBGEA kay  DA Secretary Emmanuel Piñol noong Marso 20 tungkol sa feedback ng Japan na ang intervention na ipinatupad ng BPI ay hindi sapat o hindi kailangan ng Japan MHLW.

Ayon pa sa kanya, nang mag-alok sila ng study tour, kasama ang meeting sa MHLW, hindi pumayag ang  huli “ng kahit anong meeting sa PBGEA hanggang ang gobyerno ng Fi­lipinas, lalo na ang DA ay magpakita ng kongkretong patakaran para matugunan ang MRL problem.”

Dagdag pa ni Antig, na ang hindi pag-aksiyon ng naturang ahensiya ng gobyerno ang nagbigay sa kanila ng pagkalito, “as this problem has been there for the past eight months”.

“Given this, the economic impact of the Philippine banana export industry will be a financial nightmare if the processing of imports will not be attended to and the fruits are left at the wharf or the warehouses for the duration of the Golden Week celebration,” lahad pa niya.     PNA

Comments are closed.