Banga Festival sa Balanga

By: Jayzl Villafania Nebre

Ang pangalang Balanga raw ay mula sa isang sisidlan ng tubig na kung tawagin ng Katagalugan ay banga. Pero pwede rind aw na sa palayok, na dating tinatawag ng mga taga-Bataan na banga rin, na karaniwang ginagamit ng mga Filipino noong unang panahon sa pagluluto ng kahit anong pagkain. Bilang pagkilala sa hamak na puinagmulan ng ngayon ay progresibo nang lungsod, ipinagdiriwang nila taon-taon ang Banga Festival.

Isinasabay ang Banga Festival sa fiesta ni St. Joseph. Isang linggo ang pagdiriwang, nap uno ng awitan, sayawan at parada. Matatagpuan si St. Joseph sa Balanga Cathedral,tinatawag ding Diocesan Shrine and Cathedral Parish of St. Joseph sa Balanga, Bataan. Sa kasalukuyan, sina Padre Ernesto B. De Leon at Padre Prudencio “Denz” B.

Dumaguing, Jr. ang mga pari sa nasabing cathedral. Noong March 19, 2015, araw ng kapistahan, idineklara itong shrine.

Noong panahon ng pananakop ng mga Hapones, nagsilbi ang simbahan na artillery emplacement o taguan ng mga sandata upang salakayin ang Mt. Samat, bilang tulong sa mga sundalong Filipino at Americanong nagpipilit magpakatatag sa kabila ng kakulangan ng supply. Ipinaayos ito ni bishop Celso Guevarra at inilagay na patron si Saint Joseph.

Malapit lamang ang Bataan sa Kamaynilaan kaya hindi nagkakalayo ang kanilang kultura at ekonomiya. Karamihan sa ani ng probinsya ay dinadala sa Maynila – na kadalasan ay mula sa pangingisda – dahil ang Bataan ay coastal province. Gumagawa rin sila ng fishtrap o baklad na binibili naman ng ibang probinsya.

May iba-ibang pangalan ang banga. Banga kapag ginagamit sa pagsalok ng tubig na kayang bitbitin kahit ng kababaihan, tapayan kapag malaki at pinag-iipunan ng tubig sa bahay, palayok kapag ginagamit na lutuan, at tadyaw kapag ginagamit sa paggawa ng bagoong. Ngunit ang pinakamahalagang gamit ng banga ay may kinalaman sa tubig.