BANGAYAN NINA KATRINA HALILI AT MEGAN YOUNG TOTOHANAN NA

KUNG takutan at tarayan din lang ang labanan, hindi na mapapantayan sina Katrina Halili at Megan Young diyan. Up-showbiz salaminloaded sa Instagram account ni Katrina ang eksena nila ni Megan sa The Stepdaughters kung saan walang preno ang pagtatalak niya. Deretsahan at walang hingal na binitawan ni Katrina ang mga linya niya! Pak na pak ang eksenang ito behind the scene, paano pa kaya ang final edit nito?

Lumalaban din sa ba­ngayan ang baguhang aktres na si Karenina Haniel na gumaganap bilang best friend ni Megan sa serye na si Sasha. Nakaaaliw na matapos ang bangayan, halakhak agad ang narinig mula sa mga bida ng The Stepdaughters.

Please don’t forget to watch ang bangayan din nina Yasmien Kurdi at Jackie Rice sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka ng Kapuso af-ternoon primetime under the direction of Neal del Rosario, okidoki?

DATING SEXY ACTRESS AND NOW VICE MAYOR INA ALEGRE BALIK-PELIKULA

BALIK-PELIKULA ang former Viva actress and now Pola Oriental Mindoro Vice Mayor Jennifer Min­danao Cruz aka Ina Alegre sa indie film titled Men In Uniform kung saan ang role niya ay bilang asawa ni Alfred Vargas.

‘Yung pagiging public servant niya ngayon bilang Vice Mayor nga ng Polo Oriental Mindoro ay hindi niya masasabing God’s calling.

“It comes to my heart and kahit anong gawin ko, kahit puwersahin ko ‘yung sarili ko na ayoko, pero nandoon e. ‘Yung public service po talaga ang nasa puso ko, na makatulong talaga sa mga tao? Hindi lang sa mga constituent ko sa Polo Oriental Min­doro bilang Vice Mayor nila kundi sa lahat ng puwede kong matulungan,” esplika sa amin ni VM ng Pola Orien­tal  Mindoro.

VICE MAYOR INA ALEGREWala pang tatlong taon na naninilbihan si VM Ina bilang public servant pero marami-rami na rin siyang nagawa para sa kanyang mga kababayan sa Pola Orien­tal Mindoro.

Sabi niya, wala ka raw makikita ngayon sa Pola Oriental Mindoro na naka-paa. Lahat daw ng mga tao doon ay pulos may mga tsinelas na. At sa kasalukuyan ay meron siyang 42 scholars na pinag-aaral. Meron din siyang negosyo para sa kabataan para matuto raw kung paano magnegosyo ang mga ito. Kumbaga, kasama na ‘yung sa kanyang livelihood program plus kasama na rito ang mga senior citizen na merong gift tuwing may mga nagbi-birthday every month. At ang lahat ay thru Ina Foundation at wala raw expense ang local government nila sa nasabing pro­binsya. Not necessarily daw na lahat ay galing sa sarili niyang bulsa kundi may mga kaibigan din daw siya na tumutulong sa kanyang Ina Foundation.

And take note, super happy siya dahil muli siyang nagbabalik bilang artista sa pelikula via indie film na titled Men In Uniform with Cong. Alfred Vargas. Sabi nga niya, “Once an actress,  always an actress. Hahanap-hanapin mo, e. Happy ako kasi after how many years, nakagawa uli ako ng movie and hindi ko nga akalain na ganoon siya kaano, kabilis matapos kasi nga hindi ko namalayan agad showing na pala now sa ilang piling sinehan nga lang. Yeah, na-miss ko talaga ang showbiz… “Nagkakailangan nga kami ni Cong Alfred… ‘yung time na aakapin niya ko doon sa movie.  Alam niyo nu’ng niyayakap niya ako, naano ako, nailang. Siguro dahil matagal na akong ‘di nakagawa ng movie. After doing Men In Uniform may mga offer pero hindi ko pa masasagot kasi nga mahirap pagsabayin ang political at showbiz career, e,” pagtatapos niya sa aming interview.

Anyway, dahil nga may pelikula siya ngayon na showing na nga in selected theaters so shall we say, welcome back sa showbiz Ina Alegre aka Jennifer Mindanao Cruz in real life as Vice Mayor of Pola Oriental, Mindoro.

Comments are closed.