BANGGAAN NG PUMP BOAT AT OCEAN JET, 1 PATAY

BATANGAS – PATAY ang isang crew member makaraang magbanggaan ang dalawang sasakyan pandagat o sea vessel sa Matoco Point, ayon sa ulat ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Philippine Coast Guard (PCG) .

Agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng PPA sa insidente ng banggaan sa Matoco Point, Batangas City, nitong Miyerkoles, Enero 31, 2024 upang mailigtas ang ibang sakay na crew member.

Sa ipinarating na ulat ng Port Management Office ng Batangas mula sa Vessel Traffic Management System (VTMS), umalis sa Batangas Port ang MV Ocean Jet 6 alas-11:26 ng umaga at inaasahang darating sa Calapan Port ng alas-12:35 ng tanghali, pero nagkabanggaan ito sa water taxi ng Hap & Co. na patungo naman ng Batangas Port, dakong alas-12:20 ng tanghali.

Agad na naiprating ng PPA-PMO Batangas ang insidente sa PCG kaya agad nagsagawa ng rescue operation at mailigtas ang mga pasahero ng dalawang sasakyang pandagat.

Sakay ang limang pasahero apat na crew ng Hop & Go 1 habang ang MV Ocean Jet 6 naman ay may 105 na pasahero at 19 na crew.

Sa kasawiang palad, isa ang nasawi sa crew ng Hop & Go. habang ang mga na-rescue naman ay dinala sa Port of Puerto Galera. PAUL ROLDAN/RON LOZANO