BULACAN – DEAD on the spot ang isang lalaki habang lima pa ang sugatan sa naganap na aksidente sa pagitan ng L300 van at kotse sa North Luzon Expressway ng Brgy. Malis, Guiguinto sa lalawigang ito nitong Lunes ng umaga.
Sa report nang rumespondeng rescuers ng Bulacan Disaster Risk Reduction and Management Office na nakatanggap ng tawag sa telepono ng Bulacan 911 na isang box type na L300 Van na may plakang UBC-953 ang naaksidente malapit sa exit ng Malis toll plaza.
Nabatid na kumalas ang cab ng van mula sa chasis nito na naging sanhi ng pagbaligtad ng sasakyan sa gilid ng NLEX at tinamaan ang isangZCM-268 na ay plakang ZCM-268 na nagresulta sa pagkasawi ng biktimang si alyas Reymart, 35-anyos ng Cainta, Rizal.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis papasok na sa trabaho ang mga biktima nang maganap ang aksidente.
Kinilala ng Guiguinto Police ang mga sugatan na agad isinugod sa Bulacan Medical Center na sina Rain Wayan Anog, 35-anyos; Robert De Guzman Ursolino, 33-anyos; Domingo Miranbueno Gestiada, 63-anyos; Jonel Minllaris, 25-anyos at Carryboy De Guzman, 35-anyos, kapwa residente ng Brgy. San Juan, Cainta, Rizal.
Samantala patuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing insidente.
THONY ARCENAL