BANGIS NG TERORISMO

HINDI maitatanggi na ang suliranin ng terorismo sa Pilipinas ay patuloy na nagiging isang malupit na hamon hindi lamang sa seguridad ng bansa kundi pati na rin sa ating pangkalahatang kapayapaan at kaunlaran.

nagsusumikap ang pamahalaan na makapaglatag ng mga hakbang upang mapanatili ang katahimikan, hindi maikakaila ang bahagyang kahinaan ng kasalukuyang sistema at ang pangangailangan ng mas matibay at malawakang pagsusuri ng mga batayan nito.

terorismo ay isang krimen laban sa buong sangkatauhan, hindi lamang sa isang partikular na rehiyon o bansa.

Sa Pilipinas, nagiging bahagi na ng araw-araw na buhay ang takot at pangamba dulot ng mga teroristang kilusan. Mula yata sa pambansang kalsada hanggang sa mga tourist spot, halos walang lugar na lubos na ligtas mula sa banta ng terorismo.

Isang pangunahing hamon ay ang kakulangan sa pagsasagawa ng mabilis at epektibong pagtugon ng pamahalaan sa mga banta na ito.

Ang pagsusuri sa mga batas at patakaran, kaakibat ang masusing koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay mahalaga upang higit pang mapanatili ang kaligtasan ng mamamayan.

Noong Linggo, Disyembre 3, hindi bababa sa apat ang namatay habang 45 iba pa ang sinasabing nsugatan sa pagsabog ng bomba habang may nagaganap na misa sa loob ng Dimaporo Gymnasium ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ayon sa militar, kagagawan daw ng Dawlah Islamiyah-Maute group ang nangyari habang inako naman ito ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Hindi biro ang pangyayaring iyon. Patunay ito na may mga gumagala pa ring terorista sa bansa.

Kaya hinimok din ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon at hayaang makumpleto ng mga imbestigador ang kanilang trabaho.

Habang nagpapatuloy ang mga operasyon laban sa terorismo, hindi dapat kalimutan ang pangangailangan para sa edukasyon at pag-unawa ng mamamayan.

Ang pagtuturo ng mga tamang impormasyon at pagpapakita ng pagkakaisa sa mga komunidad ay makakatulong sa pagbuo ng malakas na pambansang resistensya laban sa terorismo.

Isa ring mahalagang aspeto ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang bansa at internasyunal na komunidad.

Tandaang hindi lang sa atin nangyayari ang mga ganitong insidente.

Ang terorismo ay isang global na isyu na nangangailangan ng koordinasyon at pakikipagtulungan sa pagitan ng iba’t ibang bansa upang matagumpay na malabanan.

Dapat ding masusing tingnan ang mga sanhi ng terorismo tulad ng kahirapan, kawalan ng oportunidad, at pulitikal na hidwaan.

Ang pangangailangan para sa mas matatag na ekonomiya at mas makatarungan na lipunan ay mahalaga upang mabawasan ang mga dahilan ng radikalismong nagiging simula ng terorismo.

Tunay na ang laban sa terorismo ay hindi lamang dapat maging tungkulin ng pamahalaan kundi ng bawat mamamayan. Kaya sa pagbibigay halaga sa seguridad at kapayapaan ng bansa, tayo ay nagbibigay ng mensahe na handa tayong ipagtanggol ang ating kalayaan laban sa anumang uri ng pananakot at karahasan.

Sa pagsasamang ito ng pamahalaan, mamamayan, at internasyunal na komunidad, may pag-asa tayong malampasan ang hamon ng terorismo at itaguyod ang isang mas ligtas at mapayapang kinabukasan para sa lahat.

Hindi tayo dapat matakot, bagkus ay maging instrumento ng pagbabago at pag-unlad.

Ang susi sa isang mapayapa at maunlad na Pilipinas ay nasa ating mga kamay.