BANGIS NI ‘ROLLY’: 986,665 EKTARYANG RICE, CORN FIELDS WAWASAKIN NG BAGYO – DA

BAGYONG ROLLY

INAASAHANG magdudulot ng malawakang pinsala sa mga pananim ang bagyong Rolly, ayon sa Department of Agriculture (DA).

“As of today (Saturday), based on the combined data of CAR, Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, and VIII, the area of standing crops that might be affected by ‘ROLLY’ totals to 928,324 for rice; and 58,341 hectares for corn,” pahayag ng DA sa isang weather bulletin.

Bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyo, hinikayat ni Agriculture Secretary William Dar ang mga magsasaka na agad anihin ang kanilang mature crops, at ipagpaliban ang pagtatanim hanggang sa gumanda ang panahon at kondisyon ng mga taniman.

Ayon sa DA, sa kabuuang 928,324 ektaryang rice fields na inaasahang maaapektuhan, ang lugar na under seedling at vegetative stage ay nasa 179,442 ektarya o 19.33 porsiyento.

Samantala, ang rice area na nasa ilalim ng reproductive stage ay nasa 306,732 ektarya o  33.04 porsiyento habang ang area na nasa ilalim ng maturity stage ay nasa 442,820 ektarya o  47.70 porsiyento.

“For corn, the area of crops under the seedling and vegetative stage is at 31,960 hectares or 54.70% while the area under reproductive stage is at 4,182 hectares or 7.16%.”

Ang corn area na nasa ilalim ng  maturity stage ang bumubuo sa nalalabing 22,290 ektarya o 38.15%.

“On the other hand, fisherfolk are advised to secure fish cages, fishponds, as well as fish stocks prior to Typhoon ‘Rolly’,” sabi ng DA.

“Moreover, fishers are advised to secure their bancas onshore or anchor in sheltered areas, and refrain from fishing if rough sea conditions prevail,” dag­dag pa ng ahensiya.

Inatasan din ni Dar ang mga kinauukulang DA-Regional Field Offices (RFOs) na magpatupad ng mga angkop na hakbang upang mabawasan ang pinsala sa mga pananim, livestock and poultry, aquaculture, at infrastructure facilities, gayundin sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang rural folk at kanilang mga pamilya.

Comments are closed.