BANGKA VS BARKO: 1 PATAY, 2 NAILIGTAS

AKLAN-ISANG fishing boat ang nabangga ng hindi pa na kikilalang barko ang naging sanhi ng pagkamatay ng isang 54-anyos na mangingisda habang namamalakaya noong Sabado ng gabi sa dagat na sakop ng Masbate at Capiz.

Kinilala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office-Kalibo ang biktima na si Ricky Peralta mula sa Barangay Bakhaw Norte, Kalibo, Aklan.

Ayon sa Phil. Coast Guard at MDRRMO-Kalibo , natagpuan ang katawan ni Peralta na palutang-lutang sa gitna ng karagatan sa kanilang isinagawang search and retrieval operation nitong Lunes ng umaga.

Habang dalawang kasamahan ng biktima na sina Gerald Retos at Leo Arilas ay nakaligtas nang masagip ng kanilang mga kapwa mangingisda habang nagpapalutang lutang sa dagat.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng Kalibo police, madi­lim nang maganap ang aksidente na kung saan ay bigla umanong nabangga ng hindi pa matukoy na barko ang bangka ng mga biktima habang nangingisda.

Sa lakas ng impact ay naputol ang likurang bahagi ng kanilang bangka saka ito tumaob na naging dahilan ng pagkalunod ng biktima. VERLIN RUIZ

20 thoughts on “BANGKA VS BARKO: 1 PATAY, 2 NAILIGTAS”

Comments are closed.