BANGKANG GINAGAMIT SA ILLEGAL FISHING NASABAT

QUEZON- NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang commercial boat na pinaghihinalaang umanong ginagamit sa ilegal na pangingisda.

Sa isang pahayag, sinabi ng PCG na ang bangka ay natukoy sa pangalang FV Prince Shann Shann.

Naaktuhan umano ng PCG ang mga mangingisdang habang nangingisda sa loob ng municipal waters.

Tinatayang nasa pito hanggang walong kilometro ang layo nito mula sa baybayin ng Barangay Dalahican, Lucena City.

Paliwanag ng PCG, ang naturang bangka ay may mga unauthorized na gamit kaya malaki ang hinala nila na sangkot ito sa illegal fishing.

Tinatayang aabot naman sa P50 milyon ang halaga ng nakumpiskang fishing boat kasama na rito ang mga nakumpiskang kagamitan.

Mahaharap naman sa kaukulang kaso ang may-ari at operator nito alinsunod sa batas ng bansa. EVELYN GARCIA