BANGKAY HINOSTAGE IPINATUTUBOS NG P360K

Bangkay

MAYNILA – BUKING ang ilegal na gawain ng dalawang empleyado ng isang punerarya  matapos na hingan ng aabot sa P360,000 ang pamilya ng isang patay upang ito ay mai-release sa Sta.Cruz.

Kinilala ang mga suspek na sina Rolando Duran, 54, operation mana­ger at Mae Manahan, 49, secretary at kapwa empleyado ng punerarya ng pamilya Cruz sa Severino Reyes St., Sta. Cruz na iprinisinta naman kay Manila Mayor Isko Moreno.

Una nang nagpasaklolo sa tanggapan ng Special Mayors Reaction Team (SMaRT) sa pangunguna ni P/Major. Rosalino Ibay ang pamilya ng patay na si Marvin Sacopaso Olegenio. Hinihingan umano sina Gng. Mirasol Ologenio, ina ng bangkay, ng halagang P360,000 upang mai-release ang bangkay ng biktima na natagpuang palutang-lutang sa San Juan River sa Sta. Mesa noong Setyembre 3.

Dito na nagsagawa ng entrapment operation ang SMaRT at naaresto ang mga suspek.

Ikinadismaya naman ito ni Moreno kaya agad ipinag-utos na ipasara ang nasabing punerarya gayundin ang iba pa na hindi su-musunod sa mga alituntunin.

Ipinag-utos din nito sa Manila Health Department (MHD) na muling bisitahin at busisiin ang mga punerarya sa lungsod. PAUL ROLDAN

Comments are closed.