BANGKAY NG BABAE NATAGPUAN SA FISHPOND

bangkay

VALENZUELA CITY – NATAGPUAN ang labi ng babae na nakabalot sa kumot at natatabunan ng water lily sa isang fishpond sa Barangay Pasolo noong Biyernes ng umaga.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas-10:45 ng umaga nang matagpuan ang bangkay kasunod ng kahilingan ng mga taga-Barangay Pasolo sa Waste Management Office ng lungsod na tanggalan ng water lily ang fish pond sa  A. Concepcion Street, Villa Rosario 1.

Nabatid na hiniling ng mga residente ang paglili­nis para malaman kung nasa nasabing fishpond ang isang nagngangalang Rosalie Mission Sagal na iniulat na nawawala noon pang Hulyo 20.

Napag-alamang nahirapan ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) na iproseso ang bangkay dahil naaagnas na ito.

Kinontak na ng pulisya ang mga kaanak ni Sagal para sa posibleng pagkilala sa bangkay na inilagak sa Candido Funeral Homes para sa awtopsiya. EVELYN GARCIA

Comments are closed.