NAIUWI na sa kanyang pamilya ang bangkay ng Pinay worker na namatay sa Taiwan.
Dumating ang labi ni Deserie Tagusabi pasado alas-8:00 kahapon ng umaga sa Cauayan City Domestic Airport na kung saan nakaantabay ang pamilya nito.
Kasama ng pamilya ni Tagusabi na sumalubong ang regional officers ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Cagayan Valley para mag-abot ng suporta sa naulilang kaanak.
Mula Cauayan City Domestic Airport, idiniretso ang bangkay ni Deserie sa isang punerarya sa Ilagan City pagkatapos ay dadalhin na sa kanilang bahay sa Brgy. Lullutan.
Ayon sa kapatid ni Deserie na si Darwin na nakatakda na rin sanang umuwi ng Filipinas ngayong buwan ang Pinay kasabay ng pagtatapos ng tatlong taong kontrata sa pinagtatrabahuang electronics company.
Comments are closed.