BANGKAY NG PILOTO NG NAWAWALANG PIPER PLANE NAKUHA NA

ISABELA- SA tulong Philippine Air Force assets na-recover na ng binuong search, rescue and retrival team, nakuha na kahapon ang bangkay ng piloto ng nawawalang Piper Plane sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PAF Commanding General Stephen Parreño, matagumpay na airlift at nadala ang bangkay ng piloto sa Tactical Operation Group 2 sa Cauayan City, Isabela.

Ito ay matapos na matunton at malapitan ng isang PZL W-3A Sokol at isang Huey II chopper ng PAF na ginamit sa Search and Rescue Operations para sa nawawalang Piper Cherokee commercial plane RP-C1234 ang wreckage sa Barangay Casala, San Mariano, Isabela.

Ayon kay Col Ma. Consuello Castillo , PAF Spokesperson, gamit PZL W-3A Sokol helicopter ay nag-insert sila ng dalawang K9 dogs kasama ng kanilang apat na handlers , isang Disaster Action and Response Team (DART) 831 at limang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Personnel para magsagawa ng Ground Search and Rescue mission sa nawawalang lone passenger.

“The PAF’s contributions to the ongoing search and rescue efforts of the PDRRMO IMT are made possible through the leadership and supervision of Tactical Operations Wing Northern Luzon (TOWNOL),” ani Castillo. VERLIN RUIZ