BANGKAY NG REBELDE NAKALKAL NG ASO SA HUKAY

tagkawayan

QUEZON- ISANG bangkay ng miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang ibinaon at nahukay sa Sitio Katakian, Brgy. Mapulot, Tagkawayan sa lalawigang ito.

Nabatid na sa nasabing lugar naganap ang pananambang sa mga miyembro ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa engkuwentro ng militar at NPA sa hangganan ng Quezon at Camarines Norte kamakailan.

Base sa report, hinihinala ng mga awtoridad dahil sa mabilisan ay mababaw na hukay ang nagawa ng mga kasamahan nito na pinaglibingan ng katawan ng nasawing NPA kung kaya naamoy at nakalkal ito ng isang aso.

Mabilis namang naisuplong sa mga awtoridad ang insidente kung kaya’t agad na tinungo ng mga pulis at militar ang lugar na pinagbaunan sa bangkay ng rebeldeng NPA na may tama ng bala sa mukha at balikat inaalam din ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa bangkay na ibinaon sa lupa. BONG RIVERA