APRUBADO na ng House Committee on Banks and Financial Institutions ang ‘Bangko sa Baryo Bill’ na naglalayong magkaroon ng bank services sa remote communities sa bansa.
Sinabi ni Committee Chairman, Eastern Samar Rep. Ben Evardone – mahalagang maipaabot ng gobyerno ang financial services sa mga barangay la-lo at marami pa rin sa ating mga kababayan ang walang access sa bangko.
Kapag naisabatas ay mapabubuti pa ang pamumuhay ng mga tao sa kanayunan dahil sa benepisyo at kaluwagan na maihahatid ng banking system.
Sinabi naman ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, may-akda ng panukala na madali na lamang ang implementasyon ng panukala lalo mayroon nang National ID System.
Sa ilalim nito ay kinakailangang magtalaga ng ‘cash agents’ sa mga barangay para magbigay ng banking services.
Ang ‘cash agents’ ay sasailalim sa masusing screening procedures mula sa kanilang mga bank-employer at sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Comments are closed.