Standings:
W L
Rain or Shine 5 1
Alaska 4 1
TNT 4 1
Magnolia 3 1
Meralco 3 2
Phoenix 3 2
GlobalPort 3 3
Columbian 3 3
Barangay Ginebra 1 3
NLEX 1 4
San Miguel 0 3
Blackwater 0 6
Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – NLEX vs Blackwater
7 p.m. – Phoenix vs San Miguel
UMAASA ang Phoenix Fuel Masters na madadala sa pagbabalik ng PBA Commissioner’s Cup ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum ang magandang ipinakita ng kanilang mga player sa katatapos na 2018 PBA All Stars.
Nagpasiklab si Matthew Wright sa bawat stop ng three-leg All-Star series, itinanghal na slam dunk champ si Rey Guevarra sa Batangas City, at inangkin ni Jeff Chan ang MVP honors sa Iloilo City.
Makakasagupa ng Fuel Masters ang San Miguel Beermen ngayong alas-7 ng gabi matapos ang duelo ng NLEX Road Warriors at Blackwater Elite.
Gagawin ng Beermen ang lahat para maitala ang kanilang unang panalo matapos mabigo sa kanilang unang tatlong asignatura laban sa Meralco Bolts, Rain or Shine Elasto Painters at Alaska Milk Aces.
Kahit pinalitan na ni Renaldo Balkman si Troy Gillenwater ay hindi pa rin nagawang manaig ng Beermen laban sa Aces noong Mayo 19.
Tangan naman ng Fuel Masters ang 3-2 kartada kung saan target nitong ma-sweep ang tatlong franchise ng SMC. Nauna nilang tinalo ang Magnolia Hotshots, 89-87, at Gin Kings, 103-98.
Comments are closed.