MABIBILI na ang mga piling produkto ng Marawi simula ngayong araw sa UP Town Center, Quezon City at Greenhills Mall, San Juan City.
Sa inisyatibo ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng kanilang Task Force Bangon Marawi, ang mga tindahan ng Bangon Marawi Pop-up ay tatakbo hanggang Hunyo 23, 2020.
Matapos ang gulo sa Marawi, laging nakasuporta ang After the Marawi siege, the DTI sa mga negosyante ng Maranao na lubhang naapektuhan ng krisis. Ang dumaraming pop-up stores sa major malls sa buong bansa ay bahagi ng pagsisikap ng ahensiya na mabigyan ng oportunidad ang MSMEs sa Marawi at mga gustong magnegosyo.
Handog ng pop-up stores ang maraming hanay ng produkto tulad ng brassware, home décor (baur, kulintang in different sizes), woven products, malongs at ibang mga suotin, perlas at costume jewelry.
Ang Bangon Marawi Pop-up store sa UP Town Center ay nasa Ground Floor, Phase 1 sa harap ng Sports Barbers. Ang kanilang tindahan sa Greenhills mall ay pansamantalang nasa Cellphones & Gadgets Extension (dating Admin. Office), Level 2, hanggang Enero 8, 2020 at ililipat sa Home Decors Section malapit sa Chinabank simula sa Enero 9, 2020.
Puwedeng bisitahin ang tindahan mula Lunes hanggang Linggo tuwing mall hours.
Comments are closed.