BANGON, ROAD WARRIORS!

on the spot- pilipino mirror

NAKATIKIM ng tatlong sunod na talo ang NLEX Road Warriors. Ang huli ay sa kamay ng TNT KaTropa, 85-80 noong Miyerkoles sa Araneta Coliseum. Hindi naitago ni coach Yeng Guiao ang pagkadismaya sa tawag ng mga referee sa tatlong laro nila, gayundin sa turnovers ng kanyang mga player, lalo noong laban nila kontra NorthPort last week kung saan naipit ang kamay ni Paul Erram ni Mo Tautuaa pero ang tinawagan ng foul ay si Erram kaya nakuha nito ang kanyang ika-5 foul.

Kung kailan kailangan si Erram ng team ay saka naman naikabit ang 5th foul sa player ni coach ­Guiao. ‘Di ito makadepensa nang husto kasi ay kaunting-kaunti lang ay siguradong tatawagin itong foul ng referee. Inamin ni coach Yeng na malaki pa ang kailangang  i-improve ng kanyang mga player sa laro, lalo na sa pag-iskor na 40% lang ang kanilang scoring. Bawi, NLEX!



Next year ay nagpaplanong magpakasal si L. A. Revilla at ang kanyang longtime gifrlfriend na si Denden Lazaro na isang volleyball player at produkto ng Ateneo Lady Blue Eagles. Engaged na ang dalawa kaya naman kayod marinong maglaro si Revilla dahil next year ay malaking gastusin ang paghahandaan niya sa planong kasalan nila ng volleyball star player. Si L.A. ay isa sa napiling ‘Best Player of the Game’ sa panalo ng Phoenix Pulse Fuel Masters  laban sa Columbian Dyip, 108-98, at   gumawa ito ng 12 points.



Ang Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI)  ay may open tryout na nagsimula kahapon sa Arellano University School of Law gym sa may Taft Ave. Ito ay para mag-expand ang women national team pool. Si LVPI  president Peter Cayco ay humingi ng suporta sa owners at officials ng Premier Volleyball League at Philippine Superliga, gayundin sa UAAP at NCAA, para payagan ang mga player nila na makasama sa 3-day  tryouts. Tatlong international tournaments ang magaganap sa Asia kaya ang LVPI  ay naghahanap ng isasabak sa AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Japan mula Abril 20 hanggang 28, sa 3rd Asian Women’s Under 23 Volleyball Cham­pionship sa Vietnam mula naman Hulyo 13 hanggang 21, at sa 20th Asian Senior Women’s  Championship sa South Korea sa Agosto 31 – Set. 8.

Super busy ang ating nationals para sa paghahanda sa Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa ngayong taon. Umaasa si Rebisco president at national team backer Jonathan C. Ng na magiging successful ang tryouts upang maka-discover sila ng mga bagong mukha at mahusay na players. Good luck!

One thought on “BANGON, ROAD WARRIORS!”

  1. 75282 907423Aw, this was a really good post. In thought I would like to place in writing in this way moreover – taking time and actual effort to create a really very good article but what / issues I say I procrastinate alot and also no indicates apparently get something done. 899466

Comments are closed.