BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION SINONA NI ELEAZAR

NAG-IKOT sa iba’ibang bahagi ng Mindanao si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar noong Linggo, Hulyo 18.

Kabilang sa mga probinsiyang kaniyang binisita ang Basilan, Sulu at Tawi-Tawi para personal alamin at kumustahin ang mga police personnel na naka deploy sa Police Regional Office-.Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR).

Unang tinungo ni Eleazar ang siyudad ng Isabela sa probinsiya ng Basilan.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ni PNP Chief sa probinsiya at pampito na regional police office na kaniyang binisita matapos maupo sa puwesto noong Mayo.

Lubos ang pasasalamat nito sa mga local officials sa mainit na pagtanggap sa kaniya lalo na sa patuloy na suporta na ibinibigay ng mga ito sa mga police stations sa kanilang mga areas of jurisdiction.

Sinalubong si Eleazar ni Basilan Gov. Jim Salliman at Vice Gov. Yusop Alano.

Nakipag pulong si PNP Chief sa mga local chief executives ng probinsiya at binigyang-diin ang kaniyang adbokasiya na mga pagbabago para sa PNP.

Hiling nito sa mga opisyal na suportahan ang kaniyang mga reformative programs para sa buong PNP organization.

Kinausap din ni Eleazar ang mga police personnel ng probinsiya kung saan binigyang diin nito ang kaniyang direktiba na tiyakin hindi mamayagpag ang mga police scalawags, panatilihing malinis ang mga police headquarters.

Pinarangalan din ni Elezar ng Medalya ng Kagalingan ang pitong police operatives dahil sa kanilang outstanding accomplishments sa kampanya laban sa iligal na droga.

Pinangunahan din nito ang oath-taking nang Advocacy Support Group members and multipliers para sa probinsiya ng Basilan.

Namahagi rin ang PNP grocery items sa 30 beneficiaries ng BarangaYanihan. EUNICE CELARIO

6 thoughts on “BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION SINONA NI ELEAZAR”

  1. 169138 825908Id ought to seek advice from you here. Which is not something I do! I really like reading an article that could make folks feel. Also, a lot of thanks permitting me to comment! 252521

Comments are closed.