BANGSAMORO POLICE GUMAGAMIT NG ROLLING STORES PARA IWAS COVID-19

Rolling stores

LANAO DEL SUR – PARA hindi na lumabag pa sa ipinatutupad na social distancing kaugnay sa umiiral na Enhanced Commnunity Quarantine ay gumagamit na ng mga rolling store sa pagbebenta ng mga pangunahing pangangailangan ang pulisya para sa mga residente roon.

Nakaisip ang PNP Bangsamoro Autonomous Region na gumawa ng  “rolling stores” para sa mga taga-Lanao Del Sur.

Ayon kay Police Captain Jemar Delos Santos, ang tagapagsalita ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, mga pulis na mismo ang pumupunta sa mga kabahayan para hindi na umalis pa ng kanilang bahay at mamalengke kaya nagbebenta sila sa pamamagitan ng rolling stores ng mga pangunahing pangangailangan.

Ito ay ang bigas, sardinas, noodles, at  3in1 coffee na kanilang ibinebenta sa murang halaga.

Natuwa naman si Police Brigadier General Manuel Manalo Abu, Regional Director ng PRO BAR, sa pakikiisa rito ng mga taga-Lanao Del Sur.

Aniya, ginagawa nila ang operasyon ng rolling stores sa walong bayan sa Lanao Del Sur na bahagi ng kanilang pagsunod sa ipinatutupad na Bayanihan We Heal As One Act katuwang ang lokal na pamahalaan ng lalawigang ito. REA SARMIENTO

Comments are closed.