DAGUPAN CITY – Nangangamba ngayon ang ilang mga fish pond operators at owners sa lungsod ng Dagupan dahil sa matinding kakulangan ng suplay ng bangus.
Ito mismo ang inihayag ni City Agriculture Technician Rolly Dulay sa isang eksklusibong panayam.
Ayon sa opisyal, ilang mga fishpond owner sa siyudad ang tila nalulugi na dahil sa kakapusan ng suplay ng bangus ay maaari pa aniyang tumagal at maramdaman hanggang Disyembre.
Ang ilan pa nga aniya sa mga ito ay inaani na ang kanilang mga alaga kahit pa maliit at wala pa ito sa tamang laki.
Samantala, inihayag din ng opisyal na bagama’t normal ang pagtaas ng presyo ng bangus sa pamilihan dahil na rin sa pabago-bagong panahon, aminado ito na nagdudulot ito ng epekto sa kita ng mga fish pond owner.
Kaugnay nito, ipinangako ng City Agriculture Office na lalo nilang paiigtingin ang isinasagawang monitoring sa presyo ng bangus sa pamilihan upang walang manamantala sa sitwasyon.
Comments are closed.