BANGUS TUMAAS ANG PRESYO

BANGUS

RAMDAM ngayon ang mataas na presyo ng bangus sa ilang pamilihan sa Infanta, Pangasinan.

Ito mismo ang kinumpirma ng isa sa mga mangingisda at dating punong barangay ng Brgy. Cato na si Charlito Maniago.

Ayon kay Maniago, bagama’t balik normal na ang suplay ng bangus sa kanilang lugar ay ramdam naman ang mataas na pres­yo at bentahan nito.

Aniya, nagsimulang magtaas ang presyo nito noong nakaraang linggo kung saan mula sa da­ting P110 hanggang P120 ang kada kilo ng bangus, ngayon ay umaabot na umano sa P160 hanggang P180 ang kada kilo.

Samantala, inihayag naman ni Maniago na bagamat malaking tulong umano sa maliliit na mga bangus grower ang magandang bentahan ng bangus sa Infanta, mahalaga rin aniya na huwag dayain ang pres­yo ng mga itinitindang produkto upang hindi makasira sa magandang imahe ng bayan. BENEDICT ABAYGAR JR.

Comments are closed.