(Bank depositors at credit card holder ang mga biktima) HACKER TIMBOG SA NBI

hacker

MAYNILA – Bilang bahagi ng kampanya ng National Bureau of Investigation (NBI) -Cybercrime Division laban sa illegal online activities, isang drop out student at hacker  ang inaresto  sa isang condo unit sa Maynila.

Kinilala ang suspek na si Kli Ban Agarrado, 21-anyos, tubong Iloilo at nanunuluyan sa isang condo sa Malate.

Ayon kay NBI-Cyber Crime Division Chief Sr. Victor Lorenzo, gumawa ng mga bogus FB account ang suspek at nagpanggap na taga-bangko.

Napag-alaman na noon pang nakaraang taon na drop-out ang suspek kung saan ­dating naging costumer service at costumer support ng isang kilalang bangko.

Gumawa umano ng ­sariling website ang suspek ng dating pinapasukang bangko upang doon dumulog ang ilang indibidwal at institusyon kung saan nakukuha nito ang kanilang mga impormasyon.

Nasa 25 indibiwal na umano ang nabiktima ng suspek at nasa P950,000 na ang natangay sa mga biktima. T. ARCENAL

 

Comments are closed.