BANK EMPLOYEE DEDO SA SUNOG

sunog

LAGUNA – BINAWIAN nang buhay ang isang  empleyada ng bangko matapos ma-suffocate sa nasusunog nitong bahay sa Barangay Labuin, bayan ng Sta. Cruz, Laguna kamakalawa ng madaling araw.

Batay sa ulat na nakarating kay P/Lt. Col. Chitadel Gaoiran, hepe ng pulisya, nakilala ang biktimang si Catherine Feliciano, 46-anyos, LandBank employee, may asawa, residente ng nasabing lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SFO1 Rosauro Pagkaliwagan, BFP chief Investigator, bandang alas-12:35 ng madaling araw nang maganap ang sunog na kung saan nasa loob ng palikuran ang biktima.

Mabilis na kumalat ang apoy na agad naman naresponde ang mga tauhan ng pamatay sunog, subalit, nakulong at naipit na sa loob ng palikuran ang biktima na dahilan ng pagkamatay nito.

Samantala, naapula naman ang apoy makalipas ang  isang oras kung saan patuloy na inaalam ni Pagkaliwagan ang pinagmulan ng apoy at halaga ng mga ari-arian na naabo. DICK GARAY

Comments are closed.