BANK LENDING HUMINA

BANK-2

TUMAMLAY ang bank lending at money supply growth, na kapwa indicators ng  inflationary cash sa local financial system, noong Agosto, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ng central bank na ang outstanding loans ng commercial banks ay lu­mago ng 18.9 percent noong Agosto, mas mababa sa 19.6 percent noong Hulyo.

“Including banks’ short term deposits with the central bank, the growth in bank lending also slowed down at 18.4 percent in August from 18.7 percent in the previous month. On a month-on-month seasonally-adjusted basis, commercial bank loans net and inclusive of these deposits increased by 1.2 percent and 0.6 percent, respectively,” ayon pa sa BSP.

Hinigpitan ng BSP ang monetary policy nito bilang tugon sa tumataas na inflation. Itinaas nito ang interest rates ng 25 basis points noong Mayo at Hunyo, na sinundan ng 50-basis point hike noong Agosto, at muli noong nakaraang linggo para sa kabuuang 150 basis points.

Ang loans para sa production activities na bumubuo sa 88.6 percent ng aggregate loan portfolio ng mga bangko, ay bahagyang bumaba sa 19.1 percent noong Agosto mula sa  19.7 percent sa naunang buwan.

Ang growth sa production loans ay bunga ng pagtaas ng lending sa mga sumusunod na sektor: whole-sale at retail trade, repair ng motor vehicles at motorcycles (24.5 percent); financial at insurance activities (37.2 percent); real estate activities (15.6 percent); manufacturing (19.9 percent); electricity, gas, steam at airconditioning supply (12.0 percent); at, construction (36.9 percent). Ang bank lending sa iba pang sektor ay tumaas din sa nasabing buwan maliban sa agriculture, forestry at fishing (-25.2 percent).

Kasabay nito, lumitaw sa preliminary data na ang domestic liquidity ay lumago ng 10.4 percent year-on-year sa P11.2 trillion noong Agosto, mas mabagal sa 11.0-percent expansion sa naunang buwan. Sa month-on-month seasonally-adjusted basis, ang M3 ay tumaas ng 1.0 percent.

Comments are closed.