BANK LENDING TULOY SA PAGSIGLA

BANK

TULOY sa paglawak ang bank lending noong Hulyo, sa ­pangunguna ng construction at financial activities, ayon sa datos na ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang outstanding loans, hindi kasama ang overnight borrowing ng mga bangko sa central bank, ay tumaas ng 19.6 percent noong nakaraang buwan mula sa 19.1 percent noong Hunyo.

Kabilang ang central bank lending, ang bank lending ay tumaas ng 18.7 percent mula sa 17.7 percent.

“Central bank lending, or reverse repurchase, allows banks to sell government security to the BSP with a commitment to sell it back at a specified date and at a predetermined rate,” ayon sa BSP.

“This tells us that economic activity is continuing to expand in spite of rising prices,” pahayag naman ni Union Bank of the Philippines chief economist Ruben Carlo Asuncion.

“It may also mean that recent monetary tweaks have yet to impact lending,” sabi pa niya.

Ngayong taon ay umabot na sa 100 basis points ang itinaas ng key policy rates ng BSP upang mapahupa ang inflation. Itinaas ng central bank ang rates nito ng 50 basis points noong Agosto at tig-25 basis points noong Hunyo at Hulyo.

“Loans for production activities—which comprised 88.6 percent of banks’ aggregate loan portfolio, net of RRP—increased by 19.7 percent in July from 19.2 percent in June,” ayon pa sa BSP.

Comments are closed.