LUMAGO ang outstanding loans ng commercial banks ng 19.9 percent noong Abril mula sa 18.5 percent noong Marso.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang paglakas ng bank lending ay dahil sa mas mataas na production loans, na bumuo sa 88.5 percent ng total loan portfolio ng mga bangko.
Ang loans para sa production activities ay tumaas noong Abril 2018 ng 19.6 percent sa P6.6 trillion mula sa P5.5 trillion sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
Ang drivers ng paglago sa production loans noong Abril ay mga sektor ng wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles; real estate activities; financial and insurance activities; electricity, gas, steam, at air conditioning supply; manufacturing; iba pang community, social, and personal activities; transportation and storage; at information and communication.
Patuloy rin sa pagtaas ang consumption loans bagama’t mas mabagal year-on-year sa 8 percent noong Abril 2018 mula sa 8.1 percent na naitala sa kaparehong panahon noong 2017. Ang household consumption loans ay tumaas sa P599.8 billion noong Abril 2018 mula sa P503.8 billion noong Abril 2017.
“The BSP will continue to ensure that the expansion in domestic credit and liquidity proceeds in line with overall economic growth while remaining consistent with the BSP’s price and financial stability objectives,” pagbibigay-diin ng BSP.
Samantala, patuloy na sumipa ang domestic liquidity, na kilala rin bilang M3, noong Abril 2018.
Sa pinakahuling Depository Corporations Survey nito, sinabi ng BSP na ang money supply ng bansa ay tumaas ng 14.2 percent sa P10.9 trillion noong Abril April 2018 mula sa P9.5 trillion na naitala sa kahalintulad na buwan noong nakaraang taon. Gayunman, ang M3 sa month-on-month basis ay bahagyang bumagal mula sa 14.4-percent growth nito noong Marso.
Ayon sa central bank, ang 16.4-percent expansion sa domestic claims noong Abril, na mas mataas sa 14.5 percent na naitala noong Marso, ang nagtulak sa pagtaas sa M3. Ito ay dahil sa mas mataas na bank lending noong Abril.
Naitala rin ng BSP ang mas mataas na net claims sa central government, na sumirit ng 13 percent noong Abril 2018 sa P1.7 trillion mula sa P1.5 trillion noong Abril 2017 dahul sa patuloy na borrowings ng national government. (PNA)
Comments are closed.