HELLO everyone! Ngayong Sabado, ating pag-usapan ang pagpapadali ng pagba-bangko gamit ang ONLINE BANKING. Dahil sa mas ma-raming paraan ng pag-access ngayon sa internet gamit ang ating mga gadget, nagiging mas madali na rin ang pagba-bangko para sa atin. Ano nga ba ang benefits ng ONLINE BANKING?
1.CONVENIENCE. Sa paggamit ng online banking facility ng bangko tulad ng Asia United Bank o AUB, maaari ka nang mag-transact, kahit hindi na pumunta pa sa mismong bank branch. Sa AUB nga, mayroon pang feature ang online banking na maaari mo nang ipila ang iyong transaction para pagdating mo sa branch, hindi mo na kailangan pang pumila. Ito ay valid for 7 days. Puwede sa kahit saang branch ng AUB, nationwide!
2. ACCESS. With online banking, madali na rin ang pag-access ng iyong account upang mag-check ng balance, magbayad ng bills, mag-transfer ng funds, at iba pa. Ito ay maaari mong gawin kahit nasaan ka pa sa mundo 24×7, basta mayroon ka lamang internet access.
3.SECURITY. Ang security ng iyong banking transaction ay sigurado rin! Sa AUB Online Banking, may tinatawag na two-factor authentication. Bukod sa password, mayroon pang isang layer ng security na hihingin sa account owner para masiguradong siya lamang ang makakapag-access ng account niya. Ito ay sa pamamagitan ng AUB SECURITY TOKEN na ibinibigay nang LIBRE para sa selected accounts tulad ng Preferred Savings at Preferred Checking.
Kaya ano pa ang hinihintay mo kaibigan? Open an AUB account at mag-enroll na sa AUB Preferred Online Banking!
Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at YouTube (AUBofficialph). Hanggang sa susunod.
Comments are closed.