BANK RESERVE BABAWASAN

BSP Go­vernor Benjamin ­Diokno

NAGPASIYA ang Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bawasan ang reserve requirement ratio (RRR) para sa mga bangko ng 200 basis points sa 16%.

Ayon kay BSP Go­vernor Benjamin ­Diokno, ipatutupad ito sa tatlong bahagi –  100 basis points (bps) simula sa Mayo 31; 50 bps epektibo sa Hunyo 28; at 50 bps simula sa Huilyo 26.

“This new policy will apply to universal and commercial banks only. For the other types of banks, the cut in RRR will be considered in the next MB meeting,” wika ni Diokno.

Ang hakbang ay kasunod ng 25-basis point reduction sa key overnight rate ng central bank noong nakaraang linggo, na ayon sa mga opisyal ay bunga ng anim na sunod na buwan na pagbaba sa inflation rate ng bansa.

Noong nakaraang taon ay itinaas ng BSP ang interest rates ng combined 175 basis points upang malabanan ang pagsipa ng inflation.

Kasalukuyang nasa 18%, ang reserve requirement, ang halaga ng cash na dapat hawak ng isang bangko sa re-serves nito laban sa deposits na isinagawa ng mga customer ng Filipinas, ay kabilang sa pinakamataas sa mundo.

Noong nakaraang taon ay binawasan din ng BSP ang RRR ng 200 basis points bilang bahagi ng pagbabago ng central bank tungo sa higit na market-based implementation ng monetary policy.

Noong Marso ay nagpahiwatig si Diokno sa posibilidad ng pagbabawas sa  RRR isang beses tuwing tatlong bu-wan sa susunod na apat na quarters.

Sinabi rin ni dating BSP Governor Nestor Espenilla Jr. na nais niyang ibaba ang RRR sa ‘single-digit’ sa kanyang termino na magtatapos sana sa 2023, subalit sumakabilang-buhay siya noong Pebrero makaraang makipaglaban sa tongue cancer sa loob ng mahigit isang taon.

“With inflation gli­ding back to within target and expected to remain benign well into 2020, this was the perfect opportunity for the BSP to cut both the policy rate and reduce RRR more so with GDP dropping to 5.6 percent,” sabi ni ING Bank Manila senior economist Nicholas Mapa.

“After slamming hard on the proverbial brakes in the third quarter of 2018, the central bank believed it was time to give the eco­nomy a much needed breather especially with the inflation objective well in hand,” dagdag pa niya.

Comments are closed.