BANK SCHEDULES NGAYONG LONG CHRISTMAS WEEKEND

ATM BANK

ALAMIN ang schedule ng mga bangko ngayong long-Christmas weekend.

Sarado o walang operasyon ang BPI, RCBC, PS Bank, Metrobank, BDO at Security Bank sa Dis­yembre 25, 2018 (araw ng Pasko), Disyembre 30, 2018 (Rizal Day), Disyembre 31, 2018 (bisperas ng Bagong Ta-on) at January 1, 2019 (New Year’s Day)

Samantala, ang i­lang branch ng RCBC ay mananati­ling bukas sa Disyembre 24, 30 at 31.

Pinahaba naman ng BPI at BDO ang kanilang operating hours mula Disyembre 10 hanggang Enero 3, 2019.

Magbabalik ang normal na operasyon ng mga bangko pagsapit ng Disyembre 26 hanggang 28.

Mananatili namang bukas ang mga automated teller machine o ATM at electronic banking facilities ng mga bangko.

Comments are closed.