BANKING SCHEDULES NGAYONG SEMANA SANTA

BANK

MAGIGING sarado ang karamihan ng mga bangko ngayong Huwebes Santo at Biyernes Santo, Abril 18 at 19, para sa Semana Santa.

Sa magkakahiwalay na abiso, pinayuhan ng mga local lender ang kanilang kliyente na planuhin ang kanilang mga transaksiyon ng maaga dahil sa Huwebes Santo at Biyernes Santo na idineklarang regular holidays ng Malacañang.

Narito ang mga iskedyul ng mga bangko ngayong Semana Santa:

BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS (BPI)

Lahat ng BPI, BPI Family Savings Bank, at BPI Direct Banko branches at kiosks sa buong bansa ay sarado mula sa Abril 18, Huwebes Santo hanggang Abril 21, Easter Sunday.

Muling magbubukas ang regular na operasyon sa Abril 22, Lunes.

BDO UNIBANK

Sarado rin ang lahat ng sangay ng  BDO, kasama ang mall branches, sa Huwebes Santo hanggang Easter Sunday (Abril 18-21). Babalik sa normal na operasyon sa Lunes (Abril 22).

CHINA BANK

Lahat ng China Bank branches ay sarado rin mula Huwebes Santo, Abril 18 hanggang Easter Sunday, Abril 21.

Magbabalik ang regular banking schedule sa Lunes,   Abril 22.

METROBANK

May mga piling branches ng Metrobank na bukas ngayong Semana Santa.

PNB

Nagtala na rin ang Philippine National Bank (PNB) ng kanilang schedule sa kanilang Facebook account. Sa  Metro Manila, ang kanilang branches sa NAIA ay bukas sa magkakaibang oras sa Huwebes Santo, Sabado de Gloria at Easter Sunday.

Lahat ng PNB branches ay sarado sa Biyernes Santo.

PSBANK

Sarado ang lahat ng sangay ng Philippine Savings Bank sa buong bansa sa Abril 18 at 19, bilang paggunita ng Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Samantala, ang network ng 575 ATMs, ang PSBank Mobile at PSBank Online (Internet banking) ay magiging laan para sa lahat ng pa­ngangailangan.

RCBC

Lahat ng branches ng Rizal Commercial Banking Corporation ay sarado mula Abril 18 hanggang 21.

SECURITY BANK

Lahat ng branches ng Security Bank ay sarado rin mula sa Abril 18, (Maundy Thursday) hanggang Abril 19, (Good Friday).

Samantala, ang tatlong branches lamang sa NAIA at NAIA Terminal 3 ay magiging bukas sa Abril 20, (Black Saturday) at  Abril 21, (Easter Sun-day).

Lahat ng Security Bank branches ay babalik sa normal na operasyon sa Abril 22.(Lunes).

Comments are closed.