BANTA KAY TEVES TINITINGNAN NG PNP

MAGING ang itinuturong suspek sa Degamo slay na si Negros Oriental Representative Arnie Teves ay kabilang sa bibigyan ng proteksyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa lawless elements.

Ito ang nilinaw ni PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. at sinabing mandato nila ang kaligtasan ng lahat at walang limitasyon sa sinumang indibidwal o personahe ang pagbibigay nila ng proteksyon.

Ginawa ni Azurin ang pahayag kasunod ng pagtitiyak na magpapatuloy ang PNP na magsagawa ng joint patrol katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa threat assessment ng mga elected official sa local level o sa mga lalawigan.

“On the part of the PNP we continue to conduct joint patrol with the AFP and we continue also to conduct the threat assessment of our elected officials at the local level and we continue to provide additional security should there be a need for our local officials for additional security,” ani Azurin.

Samantala, inamin ni Azurin na wala silang ulat na nakatatanggap ng banta sa buhay ni Teves at kung mayroon man ay kanila rin itong aalamin.

“So far naman po ay wala but we will look into that,” sagot ni Azurin kung may banta sa buhay ng kongresista.
EUNICE CELARIO