SINIMULAN na ng World Health Organization (WHO) Emergency Committee on COVID-19 ang deliberasyon kung kailangan pa ring isailalim sa highest alert level ang COVID-19 pandemic.
Sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus, wala pa sa mabuting kalagayan para wakasan ang COVID-19 bilang global health emergency kahit bumaba na ang bilang ng mga namamatay kada linggo at nasa two-thirds (2/3) na ng kabuuang populasyon sa mundo ang nakatanggap ng primary dose ng COVID-19 vaccine.
Paliwanag niya, nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 at may global decline sa surveillance, testing at sequencing capacities kung saan posible itong makaapekto sa current at future coronavirus variants.
Dahil dito, binigyang-diin ni Ghebreyesus na dapat paigtingin pa ng mga bansa ang mga nasabing hakbang.