BANTA NG TERORISMO AT INSURGENCY SA PILIPINAS HUMUPA NA

HUMUPA  na umano ang banta ng terorismo sa bansa dulot ng mga Islamic extremist groups at mga insurgency lalo na nang magkaroon ng pandemic, ayon sa isang Counter Terrorism expert.

Ito ang inihayag ni Dr. Rommel Banlaoi, Counter Terrorism, and Security Studies Expert, Chairman, Philippine Institute for Peace,Violence, and Terrorism Research, political scientist, professor, Director ng Center for Intelligence and National Security Studies, sa isang forum sa Kamuning Bakery.

“The AFP and PNP tandem is winning its fight in terrorism and insurgency in internal conflicts, so now, they can focus on external threats. Let us now enjoy the peace we are enjoying especially in Mindanao.Let us travel to Mindanao and enjoy its tourism,” sabi ni Banlaoi.

Ito aniya ay dahil sa naging matagumpay na pagpapatupad ng “reintegration” na programang isinagawa ng mga local na mga opisyal ng pamahalaan kaakibat ng mahigpit na mga polisiya na isinagawa ng pamahalaang nasyunal at sa tulong na rin ng pamayanan.

Marami aniya sa mga pamilya ng mga dating terorista ang tumulong sa pagsuko ng kanilang mga kamag anak ng mga Muslim extremists sa pamahalaan, kung saan napaloob ang mga ito sa reintegration sa peace process and disengagement from armed conflict. Naging matagumpay ang programang isinagawa ng mga gobernador sa Mindanao kung saan ay pinaglaanan ng pondo ang mga ito upang magkaroon ng mga kabuhayan at livelihood training.

“They’ve surrendered their relatives with ISIS connections to the government,”ayon kay Banlaoi.

Kabilang na aniya rito ang ibang rebeldeng grupo na naghahasik ng kaguluhan lalo na sa bahagi ng Mindanao. Ito ay matapos ang madugong engkwentro ng puwersa ng militar sa mga Islam estremist groups sa Marawi Siege, kung saan matatandaang dinurog ng pamahalaang Duterte ang teroristang ISIS na muntik ng magtatag ng headquarters sa Southeast Asia sa pamamagitan ng PIlipinas. At ang labanang ito ay naganap sa Marawi kabilang ang grupo ni Maute. Ang ISIS-East Asia na self-proclaimed caliphate ay kabilang ang Abu Sayyaf at Jemaah Islamiya.

“Their reintegration covers funding economic opportunities and funding livelihood projects para hindi na bumalik sa terrorism activities ang kanilang mga kamag anak sa Mindanao. Just imagine the seriousness of the local government,”sabi ni Banlaoi.

Naging malaki rin aniya ang kontribusyon ng civil societies at kooperasyon nito sa tagumpay ng naging hakbang na ito dahil sa pagsuko ng kanilang mga kamag anak na nasangkot sa terorismo.

Kaakibat nito ang mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa money laundering na nagpigil sa pagdaloy ng pondo mula sa ibang bansa upang pondohan ang mga terrorist activities sa bansa. Para sa peaceful economic activities na lang umano ang pokus ng mga Muslim extremist groups.

Sa insurgency naman, malaki rin umanong dahilan sa patuloy na paghina nito sa bansa ang masigasig o “focus military operation” upang sugpuin ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA). Naging malaking bahagi rin umano sa pagtalikod ng mga kasapi ng CPP-NPA ang mga isinasasagawa ng barangay development program. Samar na lang ang pinakamalakas ngayon na balwarte ng mga NPA.

Sa kasalukuyan, umabot na lamang sa mahigit kumulang 2,000 ang kasapi ng natitirang 22 guerilla fronts ng CPP-NPA sa buong bansa kumpara noong 1980s na umabot sa 20,000 ang mga combatants ng mga naturang komunista sa bansa. Sa ngayon ay humina na umano ang problema ng bansa sa insurgency sa pagkapaslang ng mga kasapi nito kabilang ang tuloy tuloy na pagsuko sa pamahalaan ng mga kasapi nito.

“The National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) already declares the CPP/NPA as a dying threat in 2023 with the anticipation of a total victory by 2025,” ayon kay Banlaoi.

Ang pagbaba na ito sa banta ng terorismo sa bansa ay nagmula rin umano nang ipatupad ang National Action Plan on Preventing Countering Violent Extremism (NAP/PCVE) ng taong 2019 at ang pagkakapasa ng Anti-Terrorism Act (ATA) ng 2020.

“Threats of terrorism and violent extremism in the Philippines have declined significantly, particularly in the aftermath of the COVID-19 pandemic,” sabi ni Banlaoi.
MA. LUISA GARCIA