IIMBESTIGAHAN din ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa umano’y banta sa buhay ni Vice President Sara Duterte.
Bukod pa ito sa imbestigasyon kaugnay naman umano’y kautusan ng Bise Presidente para patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Siniguro ni NBI Director Jaime Santiago na hindi nila babalewalain ang sinabi ng Ikalawang Pangulo kaugnay sa banta sa kanyang buhay.
Ayon pa kay Santiago, kanilang aalamin kung sino ang pinaghihinalaan ng Bise Presidente at kung mayroong ebidensiya.
Nauna nang ipinagpaliban noong Biyernes at inilipat ang pagdinig sa imbestigasyon kaugnay sa mga naging pahayag ni VP Sara laban sa Pangulo sa Disyembre 11 matapos hilingin ng Bise Presidente sa pamamagitan ng sulat na ipinaabot ng kaniyang abogado na i-reschedule ito.
Nauna naman ng nilinaw ni VP Sara na ang kanyang mga pahayag laban sa first couple at House Speaker Romualdez ay “maliciously taken out of context” lamang.