BANTA SA EKONOMIYA, ‘DI UURUNGAN NI DUTERTE

NAKAHANDA ang gobyerno na hindi uurungan ng gobyerno ang mga banta sa ekonomiya na naka-sasagabal sa pag-unlad ng bansa partikular sa Mindanao.

Sa kanyang speech sa 51st Asian Devel­opment Bank Annual Meeting, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang kam­panya upang sugpuin ang terorismo, iligal na droga at katiwalian.

Ilan lamang aniya ang mga ito sa nagpapabagal sa takbo ng ekonomiya lalo sa Mindanao kaya’t wala siyang magagawa kundi maging marahas.

“We are fully aware that when the civil order weaken, progress will no longer be possible. A na­tion’s progress can only be the result of strong institu­tion’s leadership and gov­ernance. Our institution is affected by terrorism, also by drug syndicates and corrupt public servants. But to me. I would be harsh,” wika ng Pangulo.

Kasabay nito, ipi­nagmalaki ni Pangulong Duterte ang paglago ng ekonomiya dahil sa of­ficial development assis­tance na kasalukuyang gi­nagamit sa rehabilitasyon ng Marawi City na napinsala sa limang buwang bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at ng ISIS-inspired Maute Group.

“Our efforts to achieve the highest growth rate benefits our strong support extended by friends in the region. Official development as­sistance grew to unprecedented level… rebuild­ing of Marawi illustrated this. The rehabilitation of Marawi has become an international effort. We are grateful for all the support,” dagdag pa ng Pangulo. DWIZ 882

 

Comments are closed.