BANTANG PAGTATAPON NG JAPAN RADIOACTIVE NUCLEAR WASTE WATER SA PACIFIC OCEAN INALMAHAN NG MGA MANGINGISDA

NAGSAGAWA ng mga pagkilos ang ibat ibang hanay ng mga mamamalakaya at mga environmental advocates upang tutulan ang gagawing pagtatapon ng Fukushima radioactive wastewater sa Pacific Ocean.

Kahapon naglunsad ng kanilang mga kilos protesta ang ibat ibang grupo ng mga mangingisda, mamalakaya at mga environmental advocates mula sa ibat ibang bahagi ng Luzon na kabilang sa grupo ng PANGISDA Pilipinas, Nuclear/Coal-Free Bataan Movement (NFBM), Young BEAN, Step Sierra Madre, Nagsama Lamon Bay Fisherfolks Federation at KILUSAN.

Sa Mendiola ay kinalampag nila ang Malacanang para ipakita ang kanilang pag- alma sa planong pagtatapon ng TEPCO, isang Japanese corporation ng irradiated water mula Fukushima Daiichi plant sa Pacific Ocean.

Kasabay ng pagkalat ng banta hinggil sa plano ng Japanese government at TEPCO na ituloy ang pagpapakawala ng Fukushima radioactive water sa Pacific Ocean, ay nagtipon tipon ang mga mangingisda mula sa Bataan, Quezon, Cavite at National Capital Region, sa tulong ng ibat ibang environmental groups gaya ng PANGISDA Pilipinas, Nuclear/Coal-Free Bataan Movement, KILUSAN, Young BEAN at Step Sierra Madre para sa kanilang kilos protesta sa Mendiola at harapan ng Japanese Embassy sa Roxas Blvd.

Layon ng pagkilos sa Mendiola ay para manawagan kay President BongBong Marcos Jr. na hikayatin ang Japanese government na muling pag aralan at pigilan ang planong pagtatapon ng 1.3M toneladang Fukushima radioactive wastewater sa dagat mula sa kanilang nasirang Dai-ichi nuclear power. VERLIN RUIZ