PINANGUNAHAN ng ACT NCR Union ang paglulunsad ng Bantay Balik-Eskwela kasabay ng pagbabalik ng mga guro sa paaralan. Layon ng Bantay Balik-Eskwela na tiyaking maipakikita sa publiko ang tunay na kalagayan ng mga paaralan.
Hinihikayat ang mga guro na kuhanan ng larawan ang mga kakulangan sa silid-aralan, libro, pasilidad at iba pang mga kaakibat na lumang problema na hindi natutugunan ngayong nalalapit na pagbubukas ng Taong Panuruan 2018-2019 at ipadala sa Bantay Balik-Eskwela.
“Taon-taon na lang, pilit pinagtatakpan ang mga kakulangan para lamang magmukhang maayos at kaaya-aya ang lugar ng “deka-lidad na edukasyon”. Pinalalala ng mga kakulangan na ito ang pagpapatuloy ng kasalukuyang kurikulum na K to 12. Tutuntong na ang mga bata kung saan talaga nagsimula ang K to 12, Grade 7, ngunit hanggang ngayon ay ‘di pa rin nagbabago ang kalagayan,” ani Joselyn Martinez.
“Twenty-first century skills ng teachers ang hinihingi ng DepEd na pilit tinutugunan ng mga guro. E ang mga pasilidad ba at pangunahing pangangailangan sa edukasyon, 21st century kaya?” pahayag ni Martinez.
Comments are closed.