BANTAY PRESYO

edwin eusebio

Pag-aalinlangan at pagkabalisa ang nadarama ng Balana

Sa kakaharapin ng Merkad… ang tanong ay Ano na nga ba???

May pag-asa bang ang mga Bilihin ay dumami at magmura

Nang sa gayon ang umento ng mamimili ay makasapat sa kailangan nila.

 

Gayunman unang linggo pa lamang ng 2019…

Masalimuot na ang presyo ng Langis, hatak ang halaga ng mga bilihin,

Isinisi ito sa dagdag buwis sa Petrolyo man din…

Dos bente kuatro pesos kada litro… ang buwis na sa atin ay sisingilin.

 

Bukod pa rito ang Inflation, Ang sunod-sunod na pagtaas ng Presyo ngayon,

Lahat ng mga produkto… Maging serbisyo ay may dagdag ‘patong’,

Buwis na gagamitin din naman daw sa mga Proyekto sa Bayan at Nayon!

Kaya nga Magsakripisyo lamang daw sa ngayon.

 

May paalala lamang ang mga Opisyales ng Pamahalaan

Iwasan ang pagsasamantala at pagtataas-presyo ng ‘di makatuwiran.

Ito ay tila hudyat na dapat nating pag­handaan…

Pagtaas ng Presyo ng bilihin, Kaliwa at Kanan.

 

Ating unawain na sadyang kailangan ng Gobyerno…

Ang dagdag na Pondo para sa mga isinusulong na Proyekto…

Kailangan naman ng Pamahalaan na ma­ging sensitibo,

Sa kaganapan sa Pandaigdigan at lokal na Merkado,

 

LALO NA’T  NAKAAAPEKTO ITO SA LOKAL NA PRESYO.

 



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na na­ririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.