BAR NA NAGPA-BIRTHDAY PARTY SA QC IPINASARA

IPINASARA ng Quezon City government ang isang bar na luma­bag sa ipinaiiral na health protocols ng pamahalaan laban sa COVID-19 matapos na magdaos ng isang birthday party na dinaluhan ng mga social media influencers nitong Biyernes.

Ayon kay QC Task Force Disiplina head Rannie Ludovica, iisyuhan na ng closure order ang Cisco Bar sa San Francisco Del Monte matapos na mag-viral ang video kung saan makikitang ang mga guests nito ay nagpa-party ng walang suot na face masks at hindi rin nag-oobserba ng social distancing.

“Definitely today or mamaya (Lunes) lalabasan po yan ng closure order ng ating mayor,” ayon kay Ludovica sa isang panayam sa radyo.

inabi ni Ludovica na nitong Linggo ay nagsagawa na sila ng imbes­tigasyon sa insidente, kasama ang Office of the Mayor at Business Permit and License Division (BPLD).

Lumitaw sa imbestigasyon na nagkaroon ng birthday party sa naturang establisimiyento nitong Biyernes na dinaluhan ng mga social media influencers ngunit hindi agad tinukoy ang mga pagkakakilanlan ng mga ito.

Dismayado naman ang opisyal dahil dapat umano ay batid naman ng mga naturang social media influencers ang health protocols kaya dapat na sinunod ito.

“Ang nangyari ho d’yan sa Cisco Bar merong may birthday at ‘yung mga magkakakilala naglilipatan nang naglilipatan ng kanila pong mga tables at the same time ang daming na-vio­late na health protocols po rito,” ani Ludovica.

“Mga kilala ho eh, mga influencer po yan. Dapat alam po nila ano ang health protocols po natin. Sad to say nga, mga influencer ho yan e. Dapat alam po nila kung ano ang mga health protocols po natin,” giit ni Ludovica.

Sinabi pa ni Ludovica na kukunin nila ang guest list ng bar at iimbitahan nila ang mga ito upang pagpaliwanagin.

“Kung on-site namin silang nakita, may pananagutan (ang mga guests). Pero iinvite po namin, kukunin namin ang guest list kung may contact tracing na form po sila which is mandato ho yun,” dagdag pa ng hepe ng QC Task Force Disiplina.

Ipinaliwanag nito, ang Task Force ay nagsasagawa naman ng regular na on-site inspection sa mga bar sa lungsod at katunayan ay marami na silang bars na naipasara dahil sa paglabag sa COVID-19 health protocols.

Nabatid na ang Cisco bar ay matagal nang tumigil ng operasyon at noong nakaraang linggo lang ito muling nag-ope­rate. EVELYN GARCIA

93 thoughts on “BAR NA NAGPA-BIRTHDAY PARTY SA QC IPINASARA”

  1. Read here. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    stromectol australia
    drug information and news for professionals and consumers. Everything what you want to know about pills.

  2. Commonly Used Drugs Charts. Actual trends of drug.
    https://nexium.top/# where can i get cheap nexium without dr prescription
    drug information and news for professionals and consumers. Read information now.

  3. Medscape Drugs & Diseases. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://nexium.top/# how to get cheap nexium online
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Read now.

  4. What side effects can this medication cause? All trends of medicament.
    https://nexium.top/# can i order nexium without prescription
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Cautions.

  5. Some are medicines that help people when doctors prescribe. earch our drug database.
    https://tadalafil1st.online/# viagra cialis comparison
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Drugs information sheet.

Comments are closed.