BAR PASSERS BINATI NG PALASYO

NAGPAABOT  ng pagbati ang Palasyo ng Malakanyang sa mga nakapasa sa bar examinations na kinuha noong Pebrero.

Ayon kay acting Presidential spokesman Martin Andanar, isang mabuting balita na madaragdagan ang mga abogado sa Pilipinas.

Nangangahulugan aniya na mas marami na ang magiging tagapagtanggol.

Una nang inianunsiyo ng Supreme Court na nasa 8,241 mula sa 11,402 na examinees ang nakapasa sa pagsusulit.

Nangangahulugan ito ng 72.28 porsiyentong passing rate.