UPANG masiguro ang tamang pamamahagi ng social amelioration funds, iminungkahi ni Atty. Romulo Macalintal, Senior Citizens Rights Advocate, ang clustering o grouping sa malalaking mga barangay.
Halimbawa aniya sa Quezon City, ang 140 barangays ay maaring makalikha ng 28 clustered barangays o 5 barangays sa kada clustered barangay, depende sa rasonableng bilang ng mga benepisyaryo. Ang mga barangay na may kaunting bilang ng benepisyaryo ay maaring maigrupo o maisama sa iba pang barangay na hindi pa naaabot ang dami ng bilang ng mga benepisyaryo.
Sa pamamagitan nito, ang pamamahagi ng pondo ay madaling maitatakda kada clustered barangay.
Ang bawat barangay ay pamumunuan ng opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at isang opisyal na kumakatawan sa local government unit (LGU) at support staff.
Sinabi pa ni Macalintal na lahat ng mga benepisyaryo ay padadalhan ng notice ng opisyal ng barangay upang ipaalam kung saan at kailan matatanggap ang SAP.
Comments are closed.